spaghetti

Posted on Wednesday, September 30, 2009 by monique, irene, zyrhyn



mga sangkap :

spaghetti noodles
giniling na baboy
sibuyas
bawang
paminta
asukal
patis
margarine
tomato sauce
catsup

paraan ng pag luto :

mag gisa ng bawang at sibuyas sa margarine
isama ang giniling na karne ng baboy
lagyan ng konting patis pampalasa
ilagay ang tomato sauce at catsup lagyan ng
paminta at konting asukal
pakuluin at itabi muna
mag pakulo ng tubig na merong konting asin at
mantika ilagay ang spaghetti noodles at hintaying
maluto
ilagay sa plato at lagyan ng nilutong sauce sa
ibabaw at lagyan ng ginadgad na keso ;)

sarsiadong kabayo

Posted on Tuesday, September 29, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
karne ng kabayo yung malambot na parte
sibuyas
kamatis
bawang
mantika
patis
tomato sauce
paraan ng pag luto :
mag gisa ng bawang sibuyas at kamatis
ilagay ang karne ng kabayo at igisang mabuti
lagyan ng konting patis para sa pampalasa
lagyan ng konting tubig upang lumambot ang
karne
ilagay ang tomato sauce hintaying kumulo at ito
ay luto na ;)

ginisang saging na saba

Posted on Saturday, September 26, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
saging na saba
bawang
asukal
konting tubig
konting mantika
paraan ng pagluto :
mag gisa ng bawang sa konting mantika isama ang hiniwang saging na saba at igisa lagyan ng konting asukal at konting tubig

nilagang baboy sa mais at patatas

Posted on Thursday, September 24, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
baboy (kasim)
patatas
mais
sibuyas
paminta
tubig
asin
paraan ng pagluto :
hugasang mabuti ang karne ng baboy
ilagay sa kaldero lagyan ng tubig, asin at sibuyas
hintaying kumulo
isama ang patatas at mais
tignan kung malambot na ang karne
at patatas patayin na ang kalan ;)

adobong tahong

Posted on by monique, irene, zyrhyn



mga sangkap:

tahong
bawang
mantika
suka
patis
paraan ng pag luto:

ilaga ang tahong at tanggalin sa shell
mag gisa ng bawang ilagay ang tahong igisa
lagyan ng konting patis at suka ;)