tapang kabayo

Posted on Monday, October 19, 2009 by monique, irene, zyrhyn

mga sangkap :

karne ng kabayo
patis
kalamansi
bawang



paraan ng pagluto :

ibabad sa patis kalamansi at bawang ang karne ng kabayo
mag painit ng mantika at iprito ang tapang kabayo

mushroom na may bawang

Posted on Friday, October 16, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
mushroom
bawang
margarine
patis
paraan ng pag luto :
tunawin ang margarine
igisa ang bawang isunod ang mushroom
lagyan ng konting patis para sa pampalasa ;)

polvoron

Posted on Wednesday, October 14, 2009 by monique, irene, zyrhyn

mga sangkap :

gatas na powder
harina
asukal
margarine
mani o pinipig

paraan ng pagluto :

ibusa ang pinipig isunod ang harina gatas na powder at asukal
ilagay ang margarine kapag napag halo ng mabuti ang lahat ng sangkap patayin na ang kalan
palamigin at ibalot na ayon sa laki na gusto mo ;)

pastillas

Posted on Tuesday, October 13, 2009 by monique, irene, zyrhyn

mga sangkap :

gatas na malapot
gatas na powder
asukal
margarine

paraan ng pag gawa:

pag samasamahing ang lahat ng mga sangkap at haluing mabuti.
pirasuhin sa nais na laki at igulong sa asukal at ibalot sa makulay na
pambalot ;)

Achara

Posted on Saturday, October 10, 2009 by monique, irene, zyrhyn



mga sangkap :
papaya (hilaw)
carrots
sibuyas tagalog
sili labuyo
luya
bawang
asukal
tubig
paraan ng pag luto :
isalang ang tubig lagyan ng asukal at hintaying matunaw ang asukal
ilagay ang papaya, carrots, sibuyas, luya, bawang at siling labuyo
hintaying kumulo at patayin na ang kalan
palamigin at ilagay sa mga garapon ;)

baka na may mushroom

Posted on Friday, October 9, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
baka (tenderloin)
mushroom
bawang
butter
konting patis
paraan ng pag luto :
mag gisa ng bawang sa mantika
isama ang karne ng baka at igisang mabuti
lagyan ng konting patis para sa pampalasa
isama ang mushroom at igisa ng sandali
lagyang ng konting tubig hintaying lumambot ang
karne ;)

yema

Posted on Tuesday, October 6, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
gatas na malapot
mantikilya
mani
paraan ng pag luto :
tunawin ang mantikilya sa kawali
ilagay ang gatas na malapot at haluin ng haulin upang hindi manikit kapag ito ay medyo naninikit na sa sandok ito ay luto na
palamigin ng bahagya
bilugin ayon sa laki na gusto mo at ibalot sa
makulay na pambalot ;)

spaghetti

Posted on Wednesday, September 30, 2009 by monique, irene, zyrhyn



mga sangkap :

spaghetti noodles
giniling na baboy
sibuyas
bawang
paminta
asukal
patis
margarine
tomato sauce
catsup

paraan ng pag luto :

mag gisa ng bawang at sibuyas sa margarine
isama ang giniling na karne ng baboy
lagyan ng konting patis pampalasa
ilagay ang tomato sauce at catsup lagyan ng
paminta at konting asukal
pakuluin at itabi muna
mag pakulo ng tubig na merong konting asin at
mantika ilagay ang spaghetti noodles at hintaying
maluto
ilagay sa plato at lagyan ng nilutong sauce sa
ibabaw at lagyan ng ginadgad na keso ;)

sarsiadong kabayo

Posted on Tuesday, September 29, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
karne ng kabayo yung malambot na parte
sibuyas
kamatis
bawang
mantika
patis
tomato sauce
paraan ng pag luto :
mag gisa ng bawang sibuyas at kamatis
ilagay ang karne ng kabayo at igisang mabuti
lagyan ng konting patis para sa pampalasa
lagyan ng konting tubig upang lumambot ang
karne
ilagay ang tomato sauce hintaying kumulo at ito
ay luto na ;)

ginisang saging na saba

Posted on Saturday, September 26, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
saging na saba
bawang
asukal
konting tubig
konting mantika
paraan ng pagluto :
mag gisa ng bawang sa konting mantika isama ang hiniwang saging na saba at igisa lagyan ng konting asukal at konting tubig

nilagang baboy sa mais at patatas

Posted on Thursday, September 24, 2009 by monique, irene, zyrhyn


mga sangkap :
baboy (kasim)
patatas
mais
sibuyas
paminta
tubig
asin
paraan ng pagluto :
hugasang mabuti ang karne ng baboy
ilagay sa kaldero lagyan ng tubig, asin at sibuyas
hintaying kumulo
isama ang patatas at mais
tignan kung malambot na ang karne
at patatas patayin na ang kalan ;)

adobong tahong

Posted on by monique, irene, zyrhyn



mga sangkap:

tahong
bawang
mantika
suka
patis
paraan ng pag luto:

ilaga ang tahong at tanggalin sa shell
mag gisa ng bawang ilagay ang tahong igisa
lagyan ng konting patis at suka ;)